44 na kapitan, 7 konsehal kinasuhan ng carnapping

KINASUHAN na ng carnapping ang nasa 44 mga barangay kapitan at pitong konsehal sa lungsod ng Cebu ni acting Mayor Margot Osmeña sa opisina ng Ombudsman.

Naging basehan para isampa ang kaso laban sa mga barangay officials ay ang hindi umano pagsauli ng mga sasakyan na isyu ng lungsod para sa kanila.

Nabatid na sa 80 mga barangay sa siyudad, 36 lang ang nagsauli ng kanilang mga sasakyan.

Una nang nagpalabas ng memorandum ang acting mayor para sa mga barangay officials na ibalik ang mga sasakyan para isailalim sa imbentaryo.

Dahil sa hindi umabot sa kalahati ang tumugon sa nasabing memorandum kaya nagbanta ito na magsasampa ng kaso.

Tinotohanan nito ang banta matapos pormal nang ihain ang mga kaso. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply