Bagong tuklas na orchids, ipinangalan kay PNoy

EPICRIANTHES AQUINOI, ito ang bagong tuklas na uri ng orchid species na ipinangalan kay Pangulong Benigno Aquino III.

Natuklasan sa Mindanao ang nasabing halamang kulay dilaw na may brown spots.

Na-feature ang nasabing uri ng orchids sa Orchideen Journal.

Ang nasabing uri ng orchid ay itinuturing na endemic sa probinsya ng Bukidnon.

Tumutubo rin ang naturang uri ng orchids sa matataas na bahagi ng lupain.

Ayon kay Miguel David de Leon, isa sa mga author, nais nilang bigyan ng parangal ang Pangulong Aquino kaya nila isinunod sa kanya ang pangalan ng nasabing bulaklak.

Samantala, ipinangalan naman sa lola ng negosyanteng si Emil Yap ang isang orchids na natagpuan rin sa nasabing lugar na ito ay pinangalanang Dendrobium Lydiae.

Ang nasabing mga orchids ay madalang na natatagpuan sa mga cloud forest. MARJORIE DACORO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply