DENR chief, 4 opisyal kinasuhan sa illegal mining

KINASUHAN ng mga residente ng Guiuan, Eastern Samar ang limang opisyal ng gobyerno dahil sa hindi matigil na pagmimina sa nasabing lugar.

Ayon kay Larry Pascua, coordinator ng Philipphine Movement for Climate Justice (PMCJ), nag-ugat ang kanilang reklamo dahil sa hindi pagpapatupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng matagal na nilang hiling na suspendihin ang operasyon ng Hinatuan Mining Corporation (HMC).

Hiningi din nila sa Court of Appeals na magpalabas ng Temporary Environmental Protection Order (TEPO).

Partikular na sinampahan ng kaso sina Environment Sec. Ramon Paje, gayundin si Mines and Geosciences Bureau Director Leo Jasareno, MGB regional director sa Eastern Visayas Nonita Caguioa, DENR regional director Leonardo Siballuca, at Marlon Ortiguesa, protected area supervisor ng Guiuan Marine Reserve Protected Landscape and Seascape.

Hindi naman maiwasang madismaya ng mga residente ng Manicani, Eastern Samar dahil wala raw ginawang aksyon ang (DENR) at ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ukol dito. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply