Mabigat na bag sa mga tsikiting, ibinabala

HINDI dapat pagbitbitin ng mga magulang ng mga bag na sobrang bigat ang kanilang mga anak sa pagpasok ng mga ito sa paaralan.

Ito ang payo ng Department of Health (DOH), isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa bansa.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, tagapagsalita ng DOH, hindi dapat pagdalahin ng mabibigat na bag ang mga estudyante dahil maaaring maging sanhi ito ng ‘physical deformity’ o ‘pagkakuba.’

Maaari rin aniyang maging sanhi ito ng pananakit ng leeg, likod at balikat ng mga mag-aaral, gayundin nang pagkakaroon ng problema sa kanilang gulugod.

Nakatakda nang magbalik-eskwela ang mga mag-aaral sa public schools sa Lunes, Hunyo 13.

May ilang private schools na rin naman ang nagbukas ng klase kahapon, Hunyo 6, habang ang iba’y nakatakdang magbalik-klase sa Hunyo 14. MACS BORJA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply