Mar dumepensa ang late SOCE submission

HINDI bale kung ang statement of contribution and expenses (SOCE) ay hindi naisumite sa itinakdang oras, basta ang lahat ng poll expenses ay totoo ang deklarasyon.

Ito ang naging posisyon ng natalong presidential candidate na si Mar Roxas, na ngayo’y binabatikos dahil sa hindi naka-comply o nakasunod sa deadline na inilatag ng Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang Hunyo 8.

“After all, the intent of filing SOCE was to fully disclose a candidate’s campaign expenses,” paliwanag ng campaign spokesperson ni Roxas at Akbayan Rep. Barry Gutierrez.

“From the start, his position was, it’s better for us to be a bit late but to submit a complete record of all our transactions. The spirit of filing SOCE is for full disclosure at full transparency,” pahayag ni Gutierrez sa mga mamahayag kaninang umaga.

“Ang gusto nating mangyari, kumpletong record ng transactions. Kung sinong susuri, makikita nila ‘yung buong record ng mga resibo, lahat ng expenses at donation para lahat malinaw. Walang tinatago and in full compliance, accountability ang spirit nu’ng batas sa SOCE,” dagdag pa nito. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply