MARY JANE ni Monette Arcanghel (IKA-96 LABAS)

NAPAKASARAP talaga.

Nilantakan ko ito at nakatingin lang si Mr. Yamamoto.

Sa susunod daw ay laging tempura na ang bibilhin niya para sa akin.

Hindi ko na tinitingnan kung anong kinakain niya.

Hindi pamilyar sa akin kaya hindi ako kumuha.

Lalo na ‘yung tila mga halaman o herbs.

At ‘yung maraming pasta.

Baka kasi magsisi lang ako kapag kinain ko.

O kaya, baka mailuwa ko lang.

Masasayang lang ang pagkain.

Mabilis akong natapos kumain.

Nagtanong pa siya kung tapos na raw ako.

Kako, oo at nagpasalamat pa ako.

Hindi ko na lang sinabi na kumain na ako kanina bago magtanghali.

Baka ma-offend siya.

Nang matapos siya ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan naming dalawa.

Tapos sabi niya, kahit mamaya ko na lang hugasan.

Hayaan ko na lang daw muna na bumaba ang pagkain ko sa tiyan.

Napakabait talaga ni Mr. Yamamoto.

Kaya hindi nakapagtatakang mabait din ang mga anak niya.

Halimbawa na lang si Iwa.

Si Yoki pa lang ang hindi ko kabisado ang ugali.

Malamang may masama rin itong itinatago.

Sabagay, lahat naman ng tao may masamang itinatago sa katawan.

Na hindi naman maaaring sabihin lahat kahit sa bespren.

O kaya’y sa kaibigang matagal nang kakilala. ITUTULOY…

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply