MARY JANE ni Monette Arcanghel (IKA-97 LABAS)

PERO hindi ko sinunod ang sinabi ni Mr. Yamamoto.

Iniligpit ko pa rin ang mga pinggan.

At hinugasan ang mga ito.

Nakahihiya naman ka-si.

Tsaka, iyon ang papel ko sa kanila.

Kasambahay.

Nang matapos ako ay nagtungo ako sa labas.

Nadaanan ko sa sala si Mr. Yamamoto.

Nanonood ng TV at mag-isang tumatawa.

Noon ko lang nakita siya na doon nanonood ng pa-labas.

Madalas kasi ay sa loob ng kwarto niya.

Siguro trip niya lang iyon.

Tinawag pa niya ako.

Samahan ko raw siya sa panonood.

Hindi naman ako makatanggi.

Huwag daw akong mahihiya dahil kapamilya na raw ang turing nila sa akin. ITUTULOY…

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply