MARY JANE ni Monette Arcanghel (IKA-98 LABAS)

HINDI na ako nag-atubiling samahan ng panonood ng palabas sa may sala si Mr. Yamamoto.

Inabot kami ng alas-6:00 ng gabi.

Nu’ng dumating si Iwa ay nginitian lang niya ako.

Hindi kaya siya nagseselos?

Ayoko namang sundan.

Napansin kong nakasimangot siya.

Napakaraming dala niya.

Tinulungan pa siya nu’ng taxi driver.

Ipinasok ang mga ito sa bahay.

Nakaupo lang ako sa may sofa bed.

Nandoon pa rin si Mr. Yamamoto.

Wala naman siguro siyang nahahalata.

Wala naman kasi siyang alam sa aming dalawa ni Iwa.

Ilang araw pa lang ako roon.

Pero marami nang nangyari.

Kinakabahan ako.

Baka magalit si Iwa.

Sabagay, wala naman kaming ginagawa ng kanyang ama roon.

Sinasamahan ko lang ito sa panonood ng TV.

Buti na lang hindi tumitingin sa akin si Mr. Yamamoto.

Nananatili akong nakaupo sa tabi niya.

Napapailing na lang ako.

Ngunit sa totoo lang, sumisikdo ang dibdib ko.

Nagpaalam muna ako sa matanda.

Kako, magsi-CR lang ako.

Tumango lang siya.

Pumunta naman talaga ako ng CR.

Hindi na nga lang muna ako bumalik ng sala.

Tumuloy ako sa silid ko.

Pagkatapos ay humiga roon.

Sa totoo lang, nakakapagod mag-isip.

Lalo na sa mag-ama.

Hindi ko alam kung sino sa kanila.

Sino ang aking kikilingan.

Tsaka, hindi ko pa rin naman alam kung may nararamdaman ba talaga sila sa akin.

O baka naman kaibigan lang ang tingin sa akin ni Iwa.

Sabagay, pareho kaming babae.

Hindi ako maaaring umasa.

Kasi, malabo talagang mangyari iyon.

Kaya, iniisip ko na lang kung paano panatilihin ang ugnayan namin.

Ugnayang amo at kasambahay.

Kasambahay lang naman kasi talaga ang papel ko sa kanila.

Kaya nga ako nandoon sa kanila.

Saglit akong nagmuni-muni.

Pagkatapos lumabas ako.

Pero dinala ko ang cellphone ko.

Andami palang text messa­ges mula kay Iwa.

Nang basahin ko, nagpapasundo pala siya sa akin sa skul.

Kasi andami nga niyang dala kanina.

Tinext ko agad siya ng “I’m sorry.”  ITUTULOY…

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply