MARY JANE ni Monette Arcanghel (IKA-99 LABAS)

mary-jane29

ALAM ko kasing nagtatampo siya.

Iyon ay dahil hindi ko man lang siya nireplayan.

Tsaka, andami pa niyang missed calls.

Hindi nag-reply si Iwa.

Bumalik ako ng sala at wala na roon si Mr. Yamamoto.

Nakapatay na rin ang TV.

Malamang, nainip na rin sa kahihintay sa akin.

Kaya, umalis ito roon.

Napakakamot na lang ako sa ulo ko dahil silang mag-ama na ngayon ang nagtatampo sa akin.

Dahil dito, para akong na-double whammy.

Paano, dalawa na ang problema ko.

Una, si Iwa kasi nagtatampo sa akin.

At isa pa, si Mr. Yamomoto kasi hindi ko na siya binalikan sa sala.

Tumayo ako at bumalik sa silid ko.

Tinungo ko sa silid ni Iwa.

Wala siya roon.

Lumabas ako.

Wala roon ang kotse niya.

Wala pala itong dalang kotse kanina kaya nagpapasundo sa akin.

Iyon nga lamang, hindi ko nasundo.

At hindi ko nireplayan kaya nagagalit.

Naiinis tuloy ako sa sarili ko.

Malamang umalis si Iwa dahil galit siya.

Alam ko, nagtatampo talaga siya.

Kasi, ako ang katulong nila pero hindi ko man lang siya natulungan.

Bumalik na lang ako ng silid ko.

Nasalubong ko si Mr. Yamamoto.

Humingi ako ng paumanhin.

Ngumiti siya.

Nagtanong pa nga siya kung bakit daw ako nagso-sorry?

Kako, umalis kasi ako kanina at hindi na bumalik.

Aniya, “no problem.”

Huwag ko raw isipin iyon.

May problema raw siya ngayon.

Si Iwa kasi parang may ikinasasama raw ito ng loob.

Masayahin daw ang anak niya.

Ngayon lang daw niya napansin na hindi masyadong nagsasalita.

Madalas daw, nagpapaalam ito tuwing umaalis.

Pero, nu’ng umalis daw ito kanina ay hindi man lang siya sinabihan.

Sinabihan ko ang ama na baka may problema sa love life.

Napangingiti si Mr. Yamamoto.

Wala raw kasing boypren ang bunso niya.

Mula raw nu’ng maging dalaga ito ay wala itong naging karelasyon.

Marami raw kaibigan na babae at lalaki.

Pero wala raw itong naging karelasyon.

Nagi-guilty tuloy ako.

Sabi ni Mr. Yamamoto, umupo raw kami. ITUTULOY…

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply