Panibagong plunder case, isinampa vs CGMA

MAY panibagong plunder complaint ang isinampa laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may koneksyon sa umano’y maling paggamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) intelligence fund.

Sinabi ni Atty. Laurence Arroyo (walang relasyon sa pamilya Arroyo) na natanggap niya ang kopya ng reklamong isinampa ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman noong Hunyo 3.

Sinasabing nagigting ang reklamo sa umanoy maling paggamit ng PCSO confidential intelligence fund (CIF) na halagang P57-million mula 2004 – 2007 sa termino ni Mrs. Arroyo bilang pangulo ng bansa.

“It’s a new complaint for plunder and malversation regarding the PCSO fund filed by the FIO. The Ombudsman is now conducting preliminary investigation,” ani dating First Gentleman Mr. Mike Arroyo.

Tinangka namang kumpirmahin sa Office of the Ombudsman, pero sinabi ni Public Information and Media Relations Bureau acting director, Rawnsle Lopez na ipapa-check pa niya ito sa central office’s records.

Sinabi ni Mr. Arroyo na binigyan sila ng Ombudsman ng 10 araw o hanggang Hunyo 13 pata magsampa ng counter-affidavit sa the FIO’s complaint, pero humirit sila ng 15-day extension o hanggang June 28. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply