Role ni Vilma Santos napunta kay Rhian Ramos

rhian-ramos8

GINANAP na kahapon ang story conference ng inaabangang afternoon prime series ng GMA, ang Sinungaling Mong Puso. Ang nasabing drama ay remake ng sikat na pelikula noon na pinagbidahan ni Vilma Santos.

Gagawin ni Rhian ang role na ginampanan ni Vilma Santos noon, kaya naman tinanong namin ang dalaga kung hindi ba siya napi-pressure dahil role ng Star for All Seasons ang kanyang bibigyang-buhay.

“Napi-pressure din pero in a very good way kasi di ba kung hindi naman tayo nacha-challenge ng mga ginagawa natin, eh, ‘di parang wala nang nangyari sa atin. So, I feel like marami akong matututunan dito sa show na ito at tsaka just any role na nabigay sa isang Vilma Santos at tsaka sobrang saya na for me to be able to play the same role.”

***

CHESKA AT RICA MGA BAGONG KAPUSO

Kahapon, Lunes (June 20), umere na ang pilot episode ng “Mommy Manual” sa GMA News TV kung saan hosts ang pretty mommies na sina Cheska Garcia-Kramer at Rica Peralejo-Bonifacio.

Tuwing Lunes, bagong episode ang mapanonood sa programa kung saan hindi lang tips para sa mga nanay ang ibabahagi nina Cheska at Rica, kung hindi pati ang kanilang mga experience at adventures bilang mga mommies.

Si Rica, game na game mag-share ng mga travel adventure nila ng kanyang anak. Si Chesca naman, may segment kung saan tuturuan niya ang mga nanay paano mas maging “fab” sa pamamagitan ng make-up. Ipapakita niya rin ang kanyang cooking skills sa programa. Aware naman ang dalawang young moms na hindi sila expert at marami pa silang kailangang matutunan.

Kaya naman kung ano ang alam nila ay ibabahagi nila sa kapwa mommies habang open silang matuto sa kanilang guests.

***

ISABELLE DE LEON NAG-AARAL HUMAWAK NG BARIL

Bukod sa pagkanta at pag-arte, may bagong kinahihiligang gawin ngayon ang Magkaibang Mundo actress na si Isabelle de Leon — ang pagta-target shooting.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang isang maikling video sa kung saan makikitang siya ay nasa isang indoor firing range.

Kumpleto siya sa safety gear tulad ng protective goggles at noise-cancelling earmuffs. May instructor din na naririnig sa likod ng camera para masigurong tama ang kanyang bawat hakbang.

Kitang-kita na masayang nag-eensayo ang Kapuso actress sa kanyang bagong kinahihiligang sport. Way to go, Isabelle!

***

MAINE MENDOZA, PINURI NI LANG LEAV SA GINAWANG KANTA

During her entire stay sa showbiz, marami na talagang napatunayan ang Aldub star na si Maine Mendoza. From making people laugh dahil sa kanyang one-of-a-kind talent na pagda-dubsmash hanggang sa pagsayaw at pag-arte, marami na talaga ang humanga sa kanya — mapa-local man o international audience.

At ngayon ngang isinulat niya ang theme song ng movie nila ni Alden Richards ay napabilib niya pati na ang kanyang favourite writer na si Lang Leav.

In fact, sa isang tweet ni Lang Leav, nag-post ito ng papuri para sa Dubsmash Queen dahil sa nakakaantig na lyrics ng kantang kanyang sinulat.
Sabi ni Lang, “Just watched your performance of Imagine You and Me @mainedcm. I love the lyrics and you sing like an angel.”

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply