UFC Fight Night, babanat sa Manila

BUMISITA sa bansa si half-Filipino UFC fighter John “The Magician” Dodson para sa three-day tour, pero hindi pa natatapos ang kanyang mga aktibidades ay nakatuon na agad ito sa kanyang pagbabalik sa Pinas.

Isiniwalat ni Dodson na magkakaroon muli ng UFC Fight Night dito sa Pilipinas.

“Are you guys ready to see more people here? Do you guys want to see another fight here sometime soon?” tanong ni Dodson sa mga tao kahapon sa press conference sa Impressions restaurant sa loob ng Maxims’ Hotel.

Hindi sinabi ni 31-year old Dodson kung kasali siya sa mga makikipaglaban sa mixed martial arts na UFC Fight Night na gaganapin sa Mall of Asia.

Naging matagumpay ang first staging ng UFC nakaraang taon kung saan ay nagharap sina Frankie Edgar at Urijah Faber.

“We are very excited to be back in the Philippines,” pahayag ni Executive Vice President at General Manager ng UFC Asia na si Kenneth Berger.

Kasama sa pagbisita Dodson ang pagpapakita ng kanyang bilis at explosive moves sa open workout sa June 25 sa Robinsons Place, Manila.

Inspirasyon ni Dodson ang kanyang ina kaya naman gusto nitong lumaban dito sa Pilipinas.

“‘I’m always ready to fight anytime, I want the people to know that I’m Filipino. I make my mom proud everyday because I’m proud of my heritage.” sabi ni Dodson.

Ang Manila tour ni Dodson ay prinesenta ng UFC at Cignal TV. ELECH DAWA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply