3 bansa nagpalabas ng travel warning sa US

NAGPALABAS na ng travel warning ang Bahrain, Bahamas, at United Arab Emirates sa U.S. bunsod sa mga nagaganap na pamamaril ng mga kapulisan sa black Americans.

Idinaan sa Twitter ng U.S. embassy ng Bahrain ang kanilang babala sa kanilang kababayan na maging maingat at iwasan ang dumaan sa mga protesta.

Binalaan din ng Bahamas ang kanilang mga kababayang kalalakihan na huwag makipagtalo sa mga kapulisan para hindi sila madamay sa anomang kaguluhan.

Nagbabala rin ang United Arab Emirates sa kanilang mga kababayan na huwag sumali sa anumang kilos protesta. MARJORIE DACORO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply