3 Indonesians, dinukot sa Sabah

TATLONG Indonesian national ang naiulat na dinukot ng hinihinalang Abu Sayyaf group (ASG) sa karagatang sakop ng Malaysia.

Ayon kay Adbul Rahim Abdullah, pinuno ng Malaysian Marine Police, nangyari ang pagdukot maghahatinggabi nitong Sabado sa bahagi ng Lahad Datu sa silangang bahagi ng Sabah.

Bagama’t hindi direktang tinukoy na Abu Sayyaf nga ang dumukot sa nasabing bihag, sinabi ni Abdullah na malaki ang posibilidad na ito na ang siyang nasa likod ng pangyayari.

Sunud-sunod na umano ang mga dinudukot at pinapatay ng grupo para makalikom ng malaking halaga ng salapi sa pamamagitan ng ransom money. ###

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply