CGMA may pag-asang makalaya

MALAKI ang posibilidad na makalaya si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito’y matapos mabatid na pabor ang mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa hirit ni Arroyo na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya na may kaugnayan sa anomalya sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinasabing pinaiikot na ni Associate Justice Lucas Bersamin ang isang draft decision na nagbabasura sa kasong kriminal laban sa dating Pangulo dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Inaasahang maaabswelto rin sa kaso si PCSO Budget and Accounts Manager Benigno Aguas. ###

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply