Happy and contented sa juicy position?

HAPPY and inspired si Arnell Ignacio sa pagkakatalaga sa kanya ni President Rodrigo Roa Duterte bilang AVP for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Aniya, ‘My wholehearted appreciation for the trust you have given me.’

Agad na sumalang sa trabaho si Arnell matapos ang appointment sa kanya. Nagpakondisyon pa ito sa gym para raw talagang nasa fighting form siya para sa pagganap niya sa bagong tungkulin.

Kung hindi kami nagkakamali, ito yatang position na ‘to ay dating hawak ng papa ni Boy Abunda. Co-terminus siya ni Presidente Pnoy kaya wala na rin siya sa posisyon.

Anyway, sabi pa ni Arnell, “Pagcor isn’t all about gaming. As the AVP of the Community Relation and Services Department of Pagcor we will be taking massively funded steps to improve health services, comprehensive feeding programs, completion of school buildings etc. No area will be too far from our helping hand.”

Ang usap-usapan noon sa showbiz ay sa MTRCB o sa OMB raw ilalagay ni president Digong ang magaling na komedyante, pero heto nga’t sa mas juicy pala pupuwesto si Arnell. Hoy, hindi namin sinasabing raraket dyan si Arnell, matino ‘yan at walang bad record yan. Maingay lang ang bibig nyan pero hindi ‘yan kurakot. Siya pa nga ang naiisahan ng mga nagiging papa nya. Hehehe!

Ang position na ibinigay sa host/comedian ay kasing-level lang ng puwesto ni Katherine ‘Kat’ de Castro na itinalaga naman bilang undersecretary ng Department of Tourism (DOT). Ika nga’y, walang lamangan. Pare-pareho lang naman silang sumuporta kay Pangulong Digong. Take note hah, undersecretary, hindi assistant secretary. ‘Yun na!

***

ENCANTADIA’S OFFICIAL AND FULL TRAILER, PANG-INTERNATIONAL LEVEL ANG DATING!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan na noong Martes ang pinakaaabangang official at full trailer ng Encantadia. At hindi nabigo ang lahat na matiyagang nag-antay na mapanood ito dahil humanga talaga sila sa requel ng telefantasya na idinerehe ni Mark Reyes.

Sa katunayan, nag-trending ang hashtag nito na #EncantadiaFullTrailer sa Twitter na umani ng samu’t saring positive feedback mula sa mga netizens at naka-1 million views na agad ito sa social networking site na Facebook.

Ayon sa ilang comments, worth it ang kanilang paghihintay at natulala sila sa special effects na ginamit sa programa na maihahalintulad sa international shows. Namangha talaga sila sa fight scenes at approved sa kanila ang mga artista at bagong characters na mapapanood sa programa.
Bilib talaga sila sa husay at galing ng GMA 7 pagdating sa paglikha ng mga telefantasya katulad ng Encantadia na mapapanood na simula July 18.

***

SUGAR MERCADO AT INA IKINULONG SA KASONG CHILD ABUSE?

“So masaya na kayo? Im sure nagpa-party kayo na ‘yung nanay at lola makukulong! Galing ng pagpaikot nyo. 160K para makalabas kami ng kulungan ng nanay ko! Child abuse ikinaso n’yo samin! Masahol pa kayo sa hayop!” ito ang bahagi ng FB post ni Sugar Mercado, dating Eat Bulaga host.

Na-dismiss na raw ang kasong ito sa piskalya at may rekomendasyon pa na imbes na silang ma-ina ang kasuhan ay ‘yong nagkaso ang dapat na ireklamo at sampahan pa ng limang kaso. Pero heto nga’t nagulat si Sugar nang maglabas ng warrant of arrest laban sa kanila ng nanay niya.

“Malinaw sa original resolution ni Fiscal Lagasca, dismissed ang kaso ng child abuse laban sa amin. Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa. Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca.
Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse. At sa gitna ng matibay na mga ebidensya dinismiss ang kaso namin para sa VAWC,” paliwanag pa ng dating EB comedian/host.

Susme! Ano ba ang nangyayari sa justice system ng ating bansa, talaga bang ang batas ay napapaikot at nababayaran lamang ng pera?

***

ALJUR ABRENICA TO KAPUSO NETWORK: “MAHAL PA RIN KITA”

Na-release na ang latest single ng GMA Artist Center star na si Aljur Abrenica na pinamagatang “Mahal Pa Rin Kita,” na revival ng isang hit song noong 1990s. Marami ang nakapansin sa lyrics ng kanta na para bang mensahe ito ng Once Again star sa isang tao na matagal na siyang in a relationship with. Pero paglilinaw ng actor ay iniaalay raw niya ito sa GMA Network bilang kanyang only love.

Ani niya, “Nandito ako ngayon at nagdesisyon akong mag-stay dito sa GMA kasi dito ako nagsimula at dito tayo nagkapangalan. Kumbaga, naging ka-partner ko ‘yung GMA sa journey ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Naniniwala kasi akong bawat tao sa mundo ay may purpose eh at naniniwala ako na ang pag-stay ko dito sa GMA ay may pupuntahan.”

***

MAX COLLINS INSPIRED MAGTRABAHO

Kahit saan siya isabak—mapa-comedy, action or even drama, kayang kaya yan ng Kapuso actress na si Max Collins. Kaya naman hindi na kagulat gulat na kasama siya ngayon sa pinakabagong primetime series ng Kapuso Network na Someone To Watch Over Me bilang si Irene Montenegro, ex-girlfriend ng isang Alzheimer’s patient.

Para kay Max, may pressure pero mas excited siya na magtrabaho sa soap na ito dahil it only goes to show lang daw na she is excelling in her chosen field.

“Masaya po ako kasi palagi akong may trabaho. Ito talaga yung gusto ko na as long as may work ako, I am happy. I am always excited to work. It just goes to show that the producers and the staff see something in what I do. Mahalaga ‘yun sa akin,” kwento ni Max. Makakasama ni Max sa seryeng ito sina Tom Rodriguez at Lovi Poe sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply