MARY JANE ni Monette Arcanghel (IKA-100 LABAS)

HUMANTONG kami sa may sala set.

Doon kami umupo.

Aniya, marami raw siyang ikukwento tungkol sa anak niya.

Dahil doon ay naging interesado ako.

Aniya, tomboy raw noon ang ina ni Iwa.

Nagulat ako sa rebelasyon ni Mr. Yamamoto.

Kako, paanong nangyari iyon?

Mahabang kwento raw.

Ngunit inamin niya na siya ang dahilan kaya naging babae ang ina nito.

Kaya nagdududa rin siya baka tomboy raw ang anak niya.

Sayang daw kung ganoon kasi maganda pa naman daw.

Marami raw sanang gustong kumuha rito bilang modelo.

Ngunit tumatanggi raw ito.

Hindi raw kasi ito hilig ng kanyang anak.

Kung tutuusin naman daw, hindi na kailangang magtrabaho ni Iwa.

Kasi nga, sa tingin niya ay sapat na ang mga negosyo nila para buhayin sila nito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung anong pangarap sa buhay ni Iwa.

Magulo rin daw minsan ang anak niya.

Ngunit, hindi pa raw niya nakakausap ang kanyang anak tungkol sa gender nito.

Gusto niya raw maging open ito sa kanya.

Moody raw kasi ito at bihira niya lang ito matiyempuhan na maganda ang mood. ITUTULOY…

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply