Nagsampa na ng estafa case laban kay Roi Vinzon!

roi-vinzon1

WALANG nakikitang malisya si Rhian Ramos sa ginawa niyang sexy pictorial sa men’s magazine na FHM. Pawang artistic shots ito at talagang humanga rin siya sa magandang execution ng pictorial.

Sa presscon ng Sinungaling Mong Puso, nasabi ni Rhian na walang kaugnayan ang pagpu-pose niya ng sexy pictorial sa FHM sa ginagawa niyang soap opera ngayon na may pagka-sexy at daring ang role niyang ginagampanan bilang si Clara. Ipalalabas ang bagong soap ni Rhian sa afternoon primetime ng GMA 7 simula sa July 18. Makakasama ni Rhian sa mapangahas na soap sina Rafael Rossel, Kiko Estrada, Jazz Ocampo, Stephanie Sol, Glydel Mercado, Sherylyn Reyes, Michael de Mesa at Cheska Diaz. Ang soap ay idinidirek ni Ricky Davao.

Ang Singunaling Mong Puso ay obra maestra ni Direk Maryo J delos Reyes noon na produced ng Regal Films. Ginampanan ang movie nina Vilma Santos, Gabby Concepcion at Aga Muhlach. Isang certified blockbuster movie ito, na lumikha rin ng ingay sa mga award-giving bodies noong 1992.

Challenged kay Rhian ang Sinungaling Mong Puso dahil ang original star nito sa pelikula ay si Vilma Santos, na ngayo’y congresswoman na.

Ayon kay Rhian, may bagong approached ang ginawa ni direk Ricky sa kanya. Dahil may pagka-sexy ang tema ng movie ang anomang sexiness ay ginawa naman in good taste ng director.

***

NAKAPAG-FILE na ng estafa case si Kate Brios laban kay Roi Vinzon kamakailan sa RTC ng Bacolod City. Ang kasong ito ay sagot ni Kate sa libel case na isinampa namn ni Roi laban kay Kate sa RTC ng San Fernando, Pampanga.

Ayaw nang mag-elaborate ni Kate hinggil sa estafa case vs Roi. Ang mahalaga ay nakapagsampa na siya ng kaso. Mas inaatupag ni Kate ang pagse-celebrate niya ng kanyang nth birthday last July 7. Bago ang kanyang birthday last July 5, parang birthday gift na niya ang ma-invite bilang isa sa grupo ni President Rody Duterte na nanood ng FIBA Olympic Qualifying Games sa SM MOA Arena.

Sa pagkikita muli nila ni President Duterte, nagkahuntahan muli sila sandali ng bagong Pangulo ng bansa.

Isa si Kate sa sumuporta kay Pres. Duterte noong last May elections. Kababayan at family friend ng pamilya ni Kate ang Pangulo.

Magiging busy si Kate ngayon sa pagpu-promote ng indie film ni direk Vic Acedillo, ang Kakampi, kung saan partner si Kate ng award-winning actor na si Neil Ryan Sese. Ang Kakampi ay isa sa anim na entries ng ToFarm Film Festival na magsisimulang ipalabas sa piling SM Cinemas simula sa July 13. Sa Gala premiere night ay ipalalabas ang pelikulang Biyaya ng Lupa, isang classic movie ng LVN Pictures na tumatalakay sa kahalagahan ng farming sa bansa. Award-winning movie ito ng yumaong director, na si Raul Silos.

Sa July 16 ang awards night ng ToFarm Film Festival sa gaganapin sa SM Megamall Cinema.

Samantala, may hinahandang bagong pelikula si Kate na gagawin ni direk Ronald Sanchez tungkol sa isang legendary Bisayan personality. Katatapos lang ipalabas ang Tiniente Gimo sa mga sinehan na bida sina Kate at John Regala.

***

WILLIE REVILLAME, MAPAPANOOD SA PEPITO MANALO NI MICHAEL V SA SABADO

RARE okasyon na mapanood ngayon si Willy Revillame sa comedy show na Pepito Manaloto. Pero matutupad ito ngayong Saturday. Nagpaunlak si Willy na maging part ng episode ng show.

Sa istorya, nahuli ni Pepito (Michael V.) na umuuwi ng maaga si Patrick (John Feir) para manood ng “Wowowin”. Fans pala sina Patrick at si Robert (Arthur Solinap) ng programa at gusto nilang mapanood si Kuya Will mismo sa studio. May nakilala silang coordinator ng show at pwede raw maging studio audience kung magbabayad sila. Kung may dagdag ang bayad, mabibigyan pa sila ng jacket. Pero kinontra sila ni Tommy (Ronnie Henares). Wala naman daw bayad ang panonood sa programa. Tama kaya si Tommy o gusto lang niyang raketin ang dalawa?

Samantala, isinali nina Janice (Chariz Solomon) at Berta (Jen Rosendahl) sa “search for the cutest baby” contest ang mga anak nila. Todo-suporta naman si Elsa (Manilyn Reynes), binilhan pa ng damit ang mga bata. Umaasa si Berta na manalo si Berta junior at si Janice naman, binibida nang husto ang bunso niyang si Patrice. Sino kaya ang mananalong baby? Mapikon kaya ang talunang mommy? ON THE SET/NOEL ASINAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply