Sen. Kaine running mate ni Hillary

PINABORAN ni Hillary Clinton si Virginia Sen. Tim Kaine bilang maging running mate na tatapat sa tambalang Donald Trump at Indiana Gov. Mike Pence.

Ginawa ni Clitnon ang anunsyo ngayong araw sa pamamagitan ng kanyang Twitter post.

“HillaryClinton I’m thrilled to announce my running mate, @TimKaine, a man who’s devoted his life to fighting for others.”

Ang pormal na pahayag ni Hillary ay isang araw matapos naman ang Republican National Convention sa Cleveland.

Nakatakda namang ipakilala ni Clinton ang kanyang ka-tanden bukas sa isang rally sa Miami.

Itinuturing na ang pagpili kay Kaine ay kritikal sa kampanya ni Hillary lalo na sa mga Latino voters.

Si Kaine, 58, ay dating governor at former chairman ng Democratic National Committee.

Dati na ring itong napasama sa listahan ni US President Baraack Obama na pinagpilian na magong vice presidential running mate noong 2008.

Ipinanganak siya sa Minnesota, at anak ng isang welder. Lumaki siya sa Kansas at nagtapos sa University of Missouri.

Nag-aral din siya sa Harvard Law School pero bago grumaduate at nagsilbing sa misyonaryo sa Honduras.

Sa susunod na linggo ay pagkakataon naman ni Hillary na pangunahan ang Democratic National Convention. MARJORIE DACORO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply