Ex-driver-bodyguard ni Sen. De Lima, ipatatawag

IPATATAWAG ng Kamara ang dating driver-bodyguard ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan para humarap sa imbestigasyon ng kapulungan.

Paliwanag ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, ito’y hindi upang hubaran kaugnay sa relasyon nito sa senadora kundi para ungkatin ang pagkakasangkot ni Dayan sa droga.

Isasagawa ang imbestigasyon ng Kamara sa gitna ng napipintong imbestigasyon sa isyu ng talamak na isyu ng droga sa New Bilibid Prisons noong nasa superbisyon pa ito ni De Lima habang Justice Secretary pa noon.

Aniya, sakaling dumalo si De Lima sa imbestigasyon ng Kamara ay bilang resource person na imbitado alinsunod sa umiiral na inter-parliamentary courtesy.

Ayon naman kay Deputy Speaker Sharon Garin, pwedeng ipatawag ang mga druglord na nakakulong sa NBP para makuha ang direktang paliwanag kaugnay ng kanilang drug operations sa loob ng bilibid.

Ngunit maaari ring makapagsagawa ng pagdinig sa loob mismo ng bilibid kung malalagay sa alanganin ang kapakanan ng mga druglord.

Tutumbukin ng pagdinig sa pamamagitan ng inihaing House Resolution 105 ng 11 kongresista sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang paglipanan ng sindikato ng droga sa loob ng NBP sa ilalim ng pamamahala noon ni Justice Sec. De Lima. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply