2 adik sa Navotas, inutas

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin kagabi, Martes, sa Navotas City.

Sa imbestigasyon, kinilala ang biktimang sina Jimboy Bolasa, 23, at Aljun Deparine, 21, kapwa ng Champaca St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) na natagpuang patay sa isang madilim na bahagi sa ilalim ng C-3 Bridge pasado alas-6:00 ng gabi.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng tatlong empty shell ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa isang saksi na ayaw ng ipabanggit ang pangalan, kilala ang mga nasawi na sangkot sa illegal drug activities kung saan kasama sa listahan ng drug personalities sa nasabing lugar.

Ayon kay Navotas police chief S/Supt. Dante Novicio, patuloy nilang inaalam inaalam para madakip at sampahan ng kaso ang responsable sa pamamaslang sa mga bikitma. ROGER PANIZAL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply