6-months extension sa pagsugpo ng droga, hiniling ni Duterte

HUMINGI ng karagdagang anim na buwang ‘extension’ ang Pangulong Rodrigo Duterte para maubos nang tuluyan ang iligal na droga sa bansa.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kasabay ng kanilang pagkikita ng pinalayang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, sinabi ng pangulo na ngayon lamang niya napagtanto ang tindi ng problema sa droga ng bansa nang siya’y maupo bilang pangulo.

Tanggap ni Pangulong Duterte na sadyang kapos ang anim na buwan na una na niyang ipinangako sa publiko upang tuluyang sugpuin ang droga at kriminalidad sa bansa.

“I can’t kill them all,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang sa kanyang kampanya bago ang eleksyon, naging pangako ni Duterte na susupilin ang droga at kriminalidad sa bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply