Eroplano ng PAL, nag-emergency landing sa usok

DAHIL sa usok na nagmula sa cabin, bumuwelta pabalik kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na patungong Haneda, Japan.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang flight PR422 na may 222 pasahero at 13 crew ay kakalipad lamang alas-9:32 ng umaga sa NAIA nang magradyo sa Manila Control Tower ang mga piloto na sina Capt. E. de Guzman at First Officer A. Ugalino upang humingi ng clearance para sa emergency landing.

Ang eroplano, isang Airbus A340-300 na may registry number na RP-C3435, ay matiwasay na nakalapag alas-9:52 ng umaga habang nakaantabay sa baba and ilang firetrucks ng paliparan.

Samantala, sinabi ng PAL na isasailalim sa operational assessment ang naturang eroplano para madetermina kung ano ang tunay na dahilan ng pagbalik nito sa NAIA.

Dugtong pa ng air transportation company, “all passengers will be provided meals and will be given a replacement flight departing Manila at 1:30pm today. The assigned aircraft will be an A330-300.” BENNY ANTIPORDA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply