Overloaded fishing boat lumubog, 51 todas

PUMALO na sa 51 katao ang naitalang nalunod at pinangangambahan pang lolobo pa ang naturang bilang matapos lumubog ang overloaded fishing boat na sinasakyan ng mga ito sa Mediterranean coast ng Egypt.

Ito ang kinumpirma ng health ministry official ng Egypt.

“The death toll is going to rise. On the boat there is a hold used to store fish. It hasn’t been opened and there must be a lot of people inside,” ayon sa health ministry official.

Ayon sa mga pahayag ng survivors, nasa 450 migrants ang nakasakay sa fishing vessel na lumubog 12 kilometro na lamang ang layo sa coast ng Rosetta.

Ayon sa militar, sa kasalukuyan ay nasa 163 na ang mga nailigtas sa lumubog na bangka.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang apat na hinihinalang traffickers kasunod ng paglubog din ng bangka noong isang araw na ikinamatay ng 42 katao. MARJORIE DACORO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply