P75M halaga ng marijuana, sinunog sa Kalinga

WALANG-HUMPAY na sinusunog ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay P/S Insp. Nestor Lopez, OIC chief of police ng PNP-Tinglayan, tinatayang nasa P75-million ang halaga ng pananim na marijuana ang binunot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP mula Setyembre 16 hanggang ngayong araw.

Sa pinakabagong accomplishment ng PNP-Tinglayan, aabot sa 375,000 fully-grown marijuana mula sa 15,000 sqm. sa Mt. Chalanap at Loccong sa bayan ng Tinglayan ang binunot at sinunog ng mga awtoridad.

Batay sa record ng PNP-Tinglayan, umakyat na sa mahigit P6-billion ang halaga ng mga pananim na marijuana ang sinira sa pinaigting na marijuana plantation eradication mula nang maupo noong Hulyo 1 si Pangulong Rodrigo Duterte. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply