Pagsugpo sa diarrhea outbreak sa Biliran, puspusan

PUSPUSAN na ngayong kumikilos ang Department of Health (DOH) para mapigilan ang isa pang diarrhea outbreak sa Biliran.

Ito’y matapos lumabas sa laboratory examination ng DOH na ang naging sanhi ng naturang outbreak ay mula sa nainom na kontaminadong tubig.

Sa pinakahuling ulat nitong Setyembre 8, may naitalang 198 kaso ng diarrhea at isang kaswalidad.

Sinabi ng DOH na ang water samples na mula sa iba’t ibang water sources sa mga barangay ang naging positibo sa coliform bacteria, na nagmula sa dumi ng tao at hayup.

Kabilang sa mga pinagaralan na water samples ay mula sa iba’t ibang water refilling stations. Dahil dito, dalawang water filling stations na ang ipinasara ng Local Government Unit ng Cabucgayan.

Pinayuhan naman ang mga residente na pakuluan muna ang kanilang iinuming tubig sa loob ng 15-minuto para mapatay ang bakterya.

Ayon sa Municipal Health Unit ng Cabugcayan, nabawasan na ang kaso ng diarrhea at anim katao na lamang ang dinala sa Rural Health Unit at isa naman sa Barangay Health Center.

Nais naman ni Regional Director Minerva Molon ang pagbuhay sa Sanitary Inspectors ng LGUs.

“We have to activate them and let them do their job as inspectors so they can regularly monitor the water sources and prevent another diarrhea outbreak.” Pahayag ni Molon. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply