PCSO, gustong buwagin ni Duterte

IPINAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang pag-aralan kung dapat nang buwagin ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga lokal na opisyal sa Davao City, sinabi ng pangulo na ang mga small-town lottery operation ay matagal nang ginagamit para sa iligal na jueteng.

Paliwanag ng Pangulo, hindi lahat ng kita ay naibibigay sa pamahalaan, bagkus ay ibinubulsa lamang ito kaya milyun-milyon ang ikinalulugi ng gobyerno.

Dahil dito, pinasilip na ni Duterte sa mga opisyal kung kaya pa bang maalis ang katiwalian sa PCSO at kung hindi siya makukumbinseng kaya itong gawin, irerekomenda niya ang pagbuwag dito.

Matatandaang kamakailan lang ay itinalaga niya si retired Maj. General Alexander Balutan bilang bagong general manager ng PCSO dahil gusto niyang ang mailalagay sa posisyon ay isang taong makakapatay ng katiwalian sa loob ng ahensya. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply