100 days maternity leave, pasado na sa komite

maternity-leave1

PASADO na sa House Committee on Women and Gender Equality ang panukalang batas na nagsusulong na gawing 100 araw ang maternity leave.

Sinabi ni DIWA Party-list Rep. Emmilyn Aglipay-Villar, umabot sa 15 panukalang batas ang naihain para maisulong ang mas mahabang maternity leave para sa mga bagong panganak.

Ngunit ang lahat ng panukala ay pinagsama-sama upang makabuo ng isang bersyon.

Kasama sa mga panukalang inihain ang gawing 120 araw ang maternity leave at mayroon ding nagtulak na gawin itong 150 araw.

Ngunit napagkasunduan aniya at inaprubahan ng komite ang 100 araw na kaparehong bersyon ng pinalusot sa committee level noong 16th Congress.

Sa ngayon, umiiral ang 60-araw na maternity leave para sa normal na panganganak habang 78-araw naman sa mga nanganak ng casarean.

Pangunahing layunin ng mas mahabang maternity leave ang pagbibigay ng panahon sa mga bagong panganak na makapagpagaling muna nang husto bago bumalik sa trabaho at magkaroon ng sapat na panahon para maalagaan ang kanilang sanggol.

Tiwala si Aglipay-Villar na maipapasa ang panukala sa second reading bago sila mag-break sa Disyembre. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply