2017 national budget, lusot na sa Kamara

LUSOT na sa Kamara ang P3.35-trillion proposed national budget para sa susunod na taon.

Sa naganap na botohan sa plenaryo bago pa man ang kanilang session break, umaabot sa 243 mga kongresista ang bumoto pabor para sa budget habang lima naman ang tutol at isa ang nag-abstain.

Ibinalik sa naaprubahang pondo ang kinaltas na alokasyon sa 65 state universities at colleges at mga government hospitals sa bansa.

Samantala, si Albay Rep. Edcel Lagman ang tanging kongresistang nag-abstain, ay nagsabing walang dahilan upang madaliin ang pagpasa ng 2017 national budget.

Ang pondo para sa susunod na taon ay 11 percent na mas mataas kaysa 2016 budget. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply