LPA sa Visayas, binabantayan ng PAGASA

ISANG low pressure area (LPA) na nakapaloob sa inter-tropical convergence zone (ITCZ) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.

Huli itong namataan sa 650 kilometers east ng Borongan City.

Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang papawirin ngayong araw sa halos buong bansa.

Makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa buong Visayas at Mindanao, gayundin sa MIMAROPA, Bicol Region, at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon habang bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Kaninang alas-4:35 ng umaga, itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Camiguin, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City at North Cotabato dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply