Taxi driver, hinoldap saka pinatay

ISANG 60-anyos na taxi driver ang namatay matapos pagsasaksakin na tinangayan pa ng pinapasada nitong sasakyan ng hindi kilalang suspek na kanyang pasahero sa Valenzuela City kahapon, Nobyembre 24.

Nakilala ang biktimang si Daniel Mendoza, ng 445 Jazmin St., Brgy. 161, Caloocan city nang matagpuang walang buhay sa harap ng sari-sari store sa Anthony St., Fortune Village, Brgy. Parada, Valenzuela City dakong 5:00 ng madaling-araw dahil sa mga saksak sa katawan.

Ayon kay Valenzuela police homicide investigator SPO2 Alexander Manalo, dakong 3:05 ng madaling-araw nang huminto sa tapat ng naturang sari-sari store ang minamanehong Maolinmarkx Taxi (AAV-2030) ng biktima kung saan nagkakagulo sa loob nito ang driver at kanyang pasahero.

Lumabas ang dalawa sa taxi at patuloy na nanlaban ang biktima sa suspek hanggang sa makitang muling sumakay sa taxi ang salarin bago mabilis nitong pinaharurot umang tumakas habang naiwan naman ang duguang katawan ni Mendoza.

Inabonda ng suspek ang taxi sa Verceles Cmpd., Brgy. Gen T. de Leon habang inaalam na ng mga pulis kung may nakakabit na closed circuit television (CCTV) camera malapit sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin. RENE MANAHAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply