3 bagong high school buildings sa Navotas, binasbasan

IKINAGALAK ng mga magulang, mga guro at mag-aaral ng maisakatuparan ang konstruksyon ng mga bagong school buildings sa lungsod.

Pormal na pinangunahan nina Navotas City Congressman Tobias “Toby” Tiangco, kasama ang nakakabatang kapatid na si Navotas City Mayor John Rey Tiangco at mga City Councilor sa isinagawang pagpasinaya at inagurasyon ng apat na palapag na San Rafael Technogical and Vocational High School, Kaunlaran High School at San Roque High School ng lungsod.

Ang nasabing bagong school buildings ay mula sa effort o pagpupunyagi ng kongresista at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maibsan ang kakulangan ng silid-aralan sa lungsod.

Layon din na maitaas pa ang kalidad at antas ng edukasyon sa lumolobong populasyon na nagsisipag-aral sa mga nasabing pampublikong paaralan.

Nagpaabot din ng malaking pasasalamat si Mayor Tiangco sa nakatanandang kapatid Cong Toby sa pagpupursige nitong makapagpatayo ng mga school buildings na tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang mga constituents lalo na ang mga nais makapagtapos sa mataas na paaralan sa public school.

Ang pagtutulungan ng magkapatid na Tiangco ang nasa likod ng mabilis na pag-unlad ng lungsod dahil parehong iisa ang adhikain na mas mapaunlad pa ang umaangat na lungsod.

Hindi matatawaran ang kanilang layuning itaas ang antas at kalidad ng edukasyon lalo na sa mahihirap sa ilalim ng kanilang Scholarship Programs, idagdag pa ang iba’t ibang proyektong nakalaan para sa kanilang nasasakupan.

Inaasahan naman ni Cong.Toby na magagamit at mapangangalagaan ng wasto ang mga bagong gusali upang mapakinabangan din ng mga susunod pang henerasyon.

Nagpasalamat din ang kongresista sa pakikipagtulungan ng DPWH upang maisakatuparan ang nasabing proyekto. ROGER PANIZAL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply