Pinay 10-taon kulong sa pag-anib sa IS

HINATULANG mabilanggo nang 10 taon ang isang Filipina sa Kuwait matapos umanib sa Islamic State (IS)Jihadist group, at pagpaplano ng mga pag-atake.

Hindi pa naman pinal ang naturang desisyon ng korte sa Kuwait, ngunit ipinanawagan rin dito na mai-deport ang 32-anyos na Filipina kapag natapos na niya ang kaniyang sentensya.

Naaresto ang Pinay noong Agosto, dalawang buwan matapos dumating sa Kuwait para manilbihan bilang domestic helper.

Sa panahong iyon, sinabi ng interior ministry na umamin ang Filipina na isa siyang miyembro ng Islamic State group at kasama siyang nagpaplano ng mga pag-atake.

Sinabi rin ng ginang sa mga interrogators na ang kanyang asawa ay aktibong mandirigma ng IS sa Libya, at pinapunta siya sa Kuwait mula sa Pilipinas bilang domestic helper.

Ilang miyembro, sympathizers at financiers na rin ng IS ang nasentensyahan ng mga korte sa Kuwait ng iba’t ibang parusa.

Noong Oktubre lamang ay isang Egyptian driver ang inaresto ng Kuwait police matapos mapaghinalaang miyembro ng IS nang bungguin ang isang pick-up na may sakay na limang Amerikano, gamit ang isang garbage truck. JOHNNY ARASGA

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply