Archers, pinatay ang Eagles

dlsu1

WINASAK ng De La Salle University Green Archers ang Ateneo De Manila Blue Eagles, 79-72, upang masungkit ang kampeonato sa Game 2 ng best-of-three series ng UAAP 79 Season Finals na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo si Jeron Teng na may 28 pts. at UAAP MVP Ben Mbala para hindi na makahirit pa ang Ateneo ng ng do-or-die game 3.

Mula sa simula ay nilamangan na nila ang Ateneo at hindi na nakabangon pa hanggang sa 4th quarter.

Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang fans ng La Salle sa panalo ng koponan habang ang sa Ateneo naman ay nagluluksa dahil sa kanilang pagkatalo.

Napahiya rin umano si dating Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin dahil iniwan nito ang national team upang maging coach ng Ateneo subalit hindi pa rin niya ito natimunan sa kampeonato.

Hindi naman nagkamali si Teng sa kanyang sinabing tatapusin na nila sa Game 2 ang finals upang matikman ang kampeonato bago pa man siya umalis sa koponan at tuluyan nang pumasok sa Philippine Basketball Associations (PBA).

Laking panghihinayang ni Thirdy Ravena dahil sa hindi niya naitawid sa ikatlong laro ang finals sa kabila na ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas para sa laban.

Naging mahigpit naman ang referee sa kanilang pagtawag ng fouls upang hindi mauwi sa gulo ang laro dahil na rin sa maiinit ang mga fans ng dalawang koponan. RICO NAVARRO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply