Bong Revilla, pinayagang madalaw ang amang may sakit

PINAYAGAN na ng Sandiganbayan First Division si Senador Bong Revilla na madalaw ang kanyang may karamdamang ama na si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Partikular na pinayagan si Revilla na lumabas ng PNP Custodial Center para magpunta sa St. Lukes Medical Center (SLMC) sa Bonifacio Global City, Taguig kung saan naka-confine ang matandang Revilla.

Gayunman, naglatag ng kondisyon ang Sandiganbayan sa pagdalaw ng senador.

Una, bibigyan lamang ng anim na oras ang senador para na makasama ang ama sa pagitan ng alas-2:00 ng hapon – alas-11:00 ng gabi ngayong araw, December 16, 2016.

Pangalawa, limitado ang permiso na ibinigay ng graft court sa BGC area lamang.

At pangatlo, dapat magtalaga ng mga pulis para sa seguridad ni PNP chief Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa si Revilla sa kanyang pagbiyahe sa BGC. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply