California music party inferno, higit 40 dedo

CALIFORNIA – Higit 40 katao na ang pinaniniwalang nalitson nang buhay sa naganap na malaking sunog sa isang rave party sa San Francisco nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa California fire authority, tiyak na matatagalan pa ang ang seach and recovery dahil natupok nang husto ang bodega na pinagdausan ng kasiyahan.

Nabisto rin na ang nasabing gusali ay kulang sa kaukulang permit at hindi angkop na matirhan at maging working place dahil walang smoke detectors o sprinklers na nakakabit dito.

Pahayag pa ng awtoridad, naiwasan sana ang trahedya kung sumunod lamang sa patakaran ang may-ari ng building o warehouse.

Siyam na mga bangkay ang agad narekober ng mga firefighters habang ginagawa na rin ng paraan para marekober ang nawawala pang pang mga biktima.

“This is going to be a slow process for us. We are anticipating being out here for a minimum of the next 48 hours,” pahayag ni Sergeant Ray Kelly ng Alameda County Sheriff’s department.

Dagdag pa ni Kelly, “We’re expecting the worst, maybe a couple dozen victims here.”

Ang mga missing ay mula overseas na ang edad ay 20-anyos hanggang 30 na hirap tukuyin ang kanilang pagkakakilanlan.

“The warehouse had numerous partitions that had been added and a makeshift stairwell built from pallets,” ayon kay Kelly.

Samantala, ayon naman kay Oakland Fire Chief Teresa Deloach Reed na karamihan sa mga nasawi sa sunog na nagsimula ng 11:30 ng gabi ay mula sa upper floor ng two-story warehouse na kilalang Oakland Ghostship.

Aniya, “It must have been a very fast-moving fire.”

Sa ngayon, hindi pa mabatid kung saan nagsimula ang apoy sa isinagawang electronic dance music party na dinaluhan ng 50 – 100 katao.

“Some of the structural changes made it extremely difficult for people to escape,” wika ni Reed.

“There wasn’t a real entry or exit path.”

“It was filled end-to-end with furniture, whatnot, collections,” dagdag pa ni Reed. “It was like a maze almost.” BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply