Duterte, Sison nakapag-usap na sa peace deal

NAGKAPAG-USAP na sa telepono sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Maria Sison at Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Ayon kay Sison, nagkaroon sila ng “friendly and productive” na pag-uusap sa telepono ni Duterte tungkol sa pag-usad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Samantala, bilang founding chair rin ng Communist Party of the Philippines (CPP), mananatili ang pagpapairal ng unilateral ceasefire declarations ng magkabilang panig sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.

Gayunman, pinahiwatig rin ni Sison na walang bilateral ceasefire na malalagdaan ngayong taong ito dahil pag-uusapan pa ito sa ikatlong round ng peace talks sa Enero. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply