LIMA-ANIM ANG BIBITAYIN

johnny_magalona1035

PARA sa lahat ng masasamang tao sa lipunan, hanggang maaga ay magisip-isip na kayo dahil sa nalalapit na rin ang inyong mga maliligayang araw.

Ito’y dahil kapag nakalusot sa Kongreso ang muling pagbabalik ang “death penalty” ay lima o higit pa sa anim na katao ang araw-araw na isasalang sa parusang kamatayan.

Ito ang buong pagmamalaking sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na lima o higit pa sa limang katao ang araw-araw na ipasasalang niya sa death penalty para nga naman na matakot ang mga kriminal o ‘yung mga gumagawa ng krimen nang sa gayon ay maputol na rin ang ginagawang mga karumal-dumal na krimen ng mga ito.

Ibinida pa ni Pangulong Duterte na may death penalty raw noon pero wala naman daw nangyari at kapag maibalik daw ito sa kanyang administrasyon ay kanya raw itong pairalin araw-araw at lima o anim ang kanyang isasalang sa parusang kamatayan.

Sakali naman hindi aprubahan ng mayorya ng legislative body o Kongreso ang parusang kamatayan o detah penalty, may ibang paraan pa siyang ilulunsad para tuluyang matigil ang mga kriminal.

Sabay sabi niya ng, “Eh, ayaw ninyong ibalik? You want it legal? Fine. But of you destroy my country, I will destroy you!

Galit na galit kasi si Pang. Duterte sa mga kriminal at dapat na mapatawan ng bitay ang mga ito, lalo na ang mga gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Partikular na ‘yung mga drug addict na pati ang mga magulang o kapatid ay pinapatay kapag lango na sa iligal na droga. Dahil dito, ang hanging o pagbigti ang kanyang gustong gawin.

Kaya kayong mga masamang loob o kriminal, maghunos-dili na kayo dahil kapag naisalang na at nakapasa ang parusang kamatayan ay isusumpa ninyo ang inyong mga sarili kung bakit ipinanganak pa kayo,mga gago. Hehehehe.

VK PATULOY SA PAGDAMI SA SAMPALOC

PATULOY pa rin sa pagdami ang operasyon ng mga video-karera nitong si Leomar sa Sampaloc area na sakop ni PS-4 Commander Supt. Aquino Olivar.

Ito’y kahit alam niya na ang mga pulis niyang sina Delantur at alyas Tata Mac ang mga nagsisilbing protektor ng nasabing operator.

Eh, baka naman pati si Supt. Olivar ay mayroon ding timbre kay Leomar kaya hindi niya ipinahuhuli ang mga VK nito. Baka mawala ang timbre nito, ganu’n ba ‘yun, Colonel?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply