Marian, Dingdong at anak na si Zia, nagliwaliw sa Hongkong!

marian-rivera4

DAHIL nakaugalian na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mag-travel kapag Holiday hindi nila pinalampas na magliwaliw sa Hongkong kasama siyempre ang kanilang unica hija na si Zia.

Dito sa bansa sila nag-celebrate ng Christmas at kinabukasan December 26 ng hapon sila nagpunta ng Hongkong.

Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng “Month 13, Day 3 #Marialeticia,” na gustong ipaalam ni Dong na 13 month and 3 days na si Zia na ipinanganak noon December 13, 2015.

Bale sa Hongkong na rin ipinagdiwang nila ni Marian ang kanilang second wedding anniversary sa December 30.

Dapat ay papunta sila ng Spain para makita ng nang kanyang lolo at mga kamag-anak doon si Baby Zia pero dahil nag-extend ng ilang beses ang teleserye ni Dong na Alyas Robin Hood dahil sa mataas raw ang rating nito kaya ipinagpaliban ang kanilang biyahe.

Pagbalik na pagbalik nila from Hongkong ay sabak agad sa taping si Dong at si Marian naman ay maghahanda na rin ng gagawin niyang teleserye.

Wala mang pelikulang nagawa si Marian ay kuntento na siya dahil isang ‘Angel” naman ang ipinagkaloob sa kanila.

Sabi nga ng mga nanay sa mundong ibabaw, mawala na ang lahat huwag lang ang kanilang anak.

Samantala, pinasinungalingan ni Marian na nagselos siya kay Andrea Torres.

Secure na raw siya sa kanyang sarili at malaki ang tiwala niya sa kanyang loving husband/actor.
***

As expected, ang pelikulang pinagbidahan ni Paolo Ballesteros at ang entry movie ni Eugene Domingo sa MMFF ang nanguna sa takilya noong Christmas day sa mga sinehan.

Sabi ng mga hanggang ngayon na tutol sa naging resulta ng pagpili sa walong pelikula kalahok sa MMFF nilangaw raw at hindi naging maganda ang resulta sa takilya ng mga magic movie sa takilya noong opening day taliwas sa dating nakagawian ng mga pelikula nailalabas sa MMFF na pinagbidahan ng mga sikat na actor at actress.

Pero pagtatanggol naman ng mga namili ng may katuturang pelikula na naging entry nga sa MMFF ay maganda at may istorya ang pelikulang magic 8 sa taunang festival.

Hindi man kasing lakas ng mga pelikula dati sa takilya ang resulta ng mga pelikulang palabas ngayon sa mga sinehan ay nakatitiyak naman daw sila na may istorya ang mga ito at hindi pelikulang masasabi ng mga mataray na basura ang dating.

Isa pa, ang magic 8 movie entry sa MMFF ay hindi naman daw kataasan ang puhunan or nagastos dahil nga maituturing na mga indie films ang mga ito.

Isang success na raw matatawag ang isang indie film kapag kumita ito sa takilya ng P3M to P5M dahil bawi na kaagad sila sa puhunan.

Hindi tulad sa mga sinasabing mga sikat ang bida ng pelikula pero basura naman ang dating ng istorya na kailangang kumita ng milyun-milyon sa takilya para makabawi sa kanilang naging puhunan.

Natural na magtampo ang mga dating namamahala ng MMFF na hindi na sila ang mga bida ngayon dahil napalitan na sila.

Pero in fairness sa bagong namahala ng MMFF, hangad lang nila ay makapanood ng may katuturang pelikula ang sambayanang Pinoy.  TEKA MUNA/ GERRY OCAMPO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply