PAPUTOK NA NAGBIBIGAY-BUHAY

deadshot-erwin-tulfo

ILANG insidente ng stray bullet o indiscriminate firing ang iniulat ng Philippine National Police.

Bagama’t mas kaunti ito kumpara sa mga nakaraang taon kung saan parating pa lamang ang Bagong Taon ay marami nang nadisgrasya ng ligaw na bala.

Malamang na may mga matitigas ang ulo o gunggong na gagawa pa ng pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Itawag o i-report kaagad sa pulisya kapag nakakita ng gumagawa niyan para mapanagot ang mga animal na ‘yan.

‘Di na nga tuluyang ipinagbawal ni Manong Digong ang pagpapaputok, kung bakit kailangan pang magpaputok ng baril na nakamamatay.

Bakit hindi na lamang magpaputok ng “nagbibigay-buhay” sa okasyon, halimbawa, magpaputok ng “lobo.”

Kinonsidera kasi ng Pangulo ang mga naghahanap-buhay sa industriya ng paputok at ‘yung mga kababayan nating nakabili na ng paputok.

Ayaw ding maging KJ ni Manong Digong kaya sige, magpaputok kayo. Sana’y walang madisgrasya, lalo na ang mga bata na gusto lang magsaya sa tradisyunal na pag-iingay.

Huwag na sanang magsagawa ng indiscriminate firing ‘yung mga may baril, kabilang na ang mga awtoridad at mga pribadong tao na may sandata, ligal man o iligal.

Isipin na lamang na ang bala na ipinutok papaitaas ay babalik pababa at maaaring tumama kahit kaninuman.

Ilan nang insidente na ang biktima ay mga bata at kaanak din ng nagpaputok.

Kung hindi talaga mapigilan ang pangangati ng daliri sa gatilyo, marapating itutok na lamang sa inyong bibig ang titi ng baril saka paputukin.

Happy New Year!!! DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply