Taas-singil sa kuryente, nakaamba

NAKAAMBA na ang bahagyang pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ito’y bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Dolyar aniya ang ibinabayad ng Meralco sa ilang power supplier habang ang iba’y gumagamit ng diesel bilang panggatong.

Inaasahang tataas pa ang presyo ng krudo matapos magkasundo ang mga miyembro ng organization of petroleum exporting countries na magbawas ng suplay na may malaking epekto mga power plant na gumagamit ng diesel. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply