Taas-singil sa kuryente, nakaamba sa 2017

meralco8

NAKAAMBA na naman ang taas-singil sa kuryente na bubulaga sa mga konsyumer na sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ito’y dahil sa namemeligrong magkulang ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila na tatagal nang 25 araw.

Ayon sa Meralco, may nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya Natural Gas Facility mula Enero 28 – Pebrero 16 ng taong 2017.

Kaya naman, sinabi ng Meralco na aangkat sila ng karagdagang suplay ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM sa panahong naka-shutdown ang Malampaya

Sa tantiya ng Meralco, aabot sa 700 megawatts ng kuryente ang posibleng mawala sa panahong nakatigil ang operasyon ng nasabing pasilidad. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply