1.4M deboto sumama sa Traslacion

NAKAPAGTALA na ng higit sa 1-milyong deboto ang sumama sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Sa huling tala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), habang papalapit ito sa Quiapo church ay posible pang madaragdagan ang mga deboto.

Sa mga oras na ito ay nasa Carlos Palanca St. na ang andas.

Kumpara noong nakalipas na mga taon ay bahagyang mas mabilis ngayon ang Traslacion dahil na rin marahil sa mas pinatibay pa na andas ng Itim na Nazareno.

Inaasahan namang bago o pagsapit ng alas-10:00 ng gabi ay makakapasok na sa simbahan ng Quiapo ang Itim na Nazareno.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ang Philippine Red Cross (PRC) ng 1,186 pasyente na karamihan dito ay mga nasugatan, nabalian ng buto at nakaramdam ng hilo.

Nagkalat na rin ang mga sundalo at kapulisan sa Quiapo para sa mahigpit na pagbabantay sa seguridad ng mga deboto. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply