1 patay, 1 nawawala sa 4 lindol sa Italy

ISA nang iniulat na namatay habang isa ang nawawala sa apat na beses na pagtama ng lindol sa Italy ngayong araw.

Namatay matapos matabunan ng gumuhong gusali at niyebe ang 83-anyos na lalaki sa Castel Castagna habang isang 60-anyos na lalaki naman ang patuloy na hinahanap ng rescue teams at pinangangambahang natabunan ng snowslide sa Campotosto.

Ayon sa Italy National Institute of Volcanology, unang tumama ang 5.3 magnitude na lindol sa Central Italy na nasundan ng magnitude 5.4, magnitude 5.3 at magnitude 5.1.

Tinatayang nasa isandaang (100) aftershocks ang naitala sa pagitan ng naturang mga pagyanig. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply