13 kritikal sa sumabog na LPG station

SUGATAN ang 26 na katao matapos sumabog at masunog ang storage at LPG refilling station ng kumpanyang Regasco.

Sa datos na inilabas ng Pasig City Public Information Office, sa 26 na nasugatan, 13 ang nasa kritikal na kondisyon.

Ang mga biktima ay pawang isinugod sa Rizal Medical Center (RMC), Pasig City General Hospital (PCGH) at Mandaluyong Medical Center.

Damay sa nasabing pagsabog ang kalapit na gasoline station ng kumpanyang Flying V.

Ayon sa mga residente, napakalakas ng pagsabog na nadinig at naramdaman ang pagyanig kahit ng mga nasa malayong lugar.

Naganap ang malakas na pagsabog pasado ala-1:00 ng madaling-araw sa Sandoval Ave. sa Brgy. San Miguel.

Umabot sa 5th alarm ang sunog bago maideklarang fireout alas-3:10 ng madaling-araw. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply