2 tulak pumalag sa parak, dedo

DEDO ang dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbawal na gamot matapos manlaban sa mga tauhan ng Caloocan police na nagsagawa ng buy-bust operation sa Pieta cor. Miracle St., Brgy. 153, Caloocan City.

Naging target ng operasyon ang magkaibigang sina Arthur Ancheta, 46, at Allan Chico alyas Loloy.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpanggap na posuer buyer ang isang pulis at nakabili ng shabu sa mga suspek.

Pero nakatunog si Ancheta na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at binaril ang mga awtoridad.

Nakaganti ng putok ang mga pulis kaya napatakbo si Ancheta papasok ng bahay nito pero napuruhan na ito ng mga pulis na agad nitong ikinamatay.

Nasa ikalawang palapag naman ang suspek na si Chico at pinaputukan din ang mga pulis pero napatay din ito ng mga awtoridad.

Nakarekober sa pinangyarihan ng anim na sachet ng shabu, isang kalibre .38 na baril at Uzi submachine gun pistol.

Mariing naman itinaggi ng mga kaanak ng mga suspek na nanlaban ang mga napatay, bagkus planado umano ang pamamaslang sa kanilang Mga kaanak. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply