ANG KATOTOHANANG IBINULGAR NG MMFF

AYON sa lumabas na mga unang balita, mababa raw talaga ang kinita ng simulang araw ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Nakalulungkot.

Para sa mga tulad ko na may karanasan sa paggawa ng pelikula at maraming kaibigan sa industriya, alam ko ang nararamdaman ng mga kasapi ng showbiz industry, lalo na ‘yung mga nagsabing ang MMFF ngayong taon ay sagisag ng “pagbabago.”

May oras pa naman, sana ay lumabas ang mga tao, maglaan ng isang araw man lang para manood ng pelikula na nakalinya sa MMFF at suportahan ang industriya ng pelikulang Filipino.

Mabigat ang usapin tungkol sa MMFF, ilang beses ko na rin ito ginawang topic sa aking mga kolum at speech.

Pero bigyan n’yo ako ng pagkakataon ngayon sa aking opinyon na walang pinapanigan.

Hindi ako magte-take ng side ng kahit kanino sa isyung ito. Para sa akin kasi, dapat timplado ang MMFF, may para sa masa, may mga malalim ang tema, may entry para sa iba’t ibang tastes ng manonood para maging successful ang Festival.

Naintindihan ko ang goal ng mga organizer ng MMFF na iangat ang quality ng Filipino movies para labanan ang mga Hollywood film pero pwede naman na hindi ang MMFF ang venue ng goal na ito.

Sa aking palagay, kung kailangan natin ng quality movies na pang-award, pwede naman na hindi ilabas lang sa MMFF na nakasanayan nang event ng mga pamilya tuwing Pasko.

Alam natin na ang pinagmulan ng pamamayagpag ng “commercial films” over “quality films” ay nang mapunta nga sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pangangasiwa ng MMFF.

Siyempre, dahil maraming beneficiary ang MMDA na pinaglalaanan sa kita ng MMFF, mas nahihikayat ang producers na gumawa ng mga pelikula na mas pambenta at hindi necessary na pang-awards. Mas malaking kita, mas okay para sa MMDA kaya naman ang top-grosser ang madalas na humahakot din ng awards.

Patunay ito na mas maraming manonood ang mas gusto lang na ma-entertain at ayaw na mag-isip sa panonood ng pelikula, lalo kapag panahon ng Kapaskuhan.

Sa palagay ko, kung gusto nating turuan ang mga Pinoy na maka-appreciate ng mga quality at malalalim ang tema na movies, hindi naman kailangang ang MMFF ang venue, hindi naman dapat na ito ang tamang stage, ‘ika nga.

Maraming paraan, isang halimbawa ang paggawa ng advocacy movies na pangungunahan ng mga ahensya ng gobyerno.

Halimbawa, ano ba naman na maglaan ng konting budget ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gumawa ng pelikula tungkol sa kalikasan?

The government has to step in. Ang pinakaimportante ay magkaisa ang lahat ng nasa showbiz sa tulong na pamahalaan na iligtas ang industriya ng pelikulang Pinoy.

Ito ang challenge sa lahat sa harap ng katotohanan na ngayon ay ibinulgar ng MMFF nitong taong 2016. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply