Bagong exe-com ng MMFF pinuri sa katapangan

paolo-ballesteros1

KAHIT kargado ng mga negatibong batikos ang taunang MMFF this 2016, naniniwala pa rin ang MMFF Execom na matagumpay nilang nairaos ang ten days long filmfest na pawang indie films ang kalahok.

In fairness, marami ding celebrities na sumipot sa ginanap na Gabi ng Parangal na ginanap last December 29 sa Kita Theater, Cubao.

Ilang big stars din ang namataan sa nasabing event especially ‘yong mga winners sa ilang major categories.

Big winners sina Irma Adlawan at Paolo Ballesteros na nag-uwi ng Best Actress and Best Actor respectively.

Napanalunan ni Irma ang Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Oro.”

Si Paolo nama’y wagi sa pagka-Best Actor bilang Makeup Transformation King para sa kanyang role sa pelikulang “Die Beautiful” na humakot din ng parangal gaya ng Best Float at People’s Choice.
Childrens Choice Award, Best Editing at Best Picture naman ang naiuwi ng documentary film na “Sunday Beauty Queen.”

Best Director naman for two consecutive years si Erik Matti, this time para sa kanyang horror film na “Seklusyon.”

Humakot din ng ibang parangal ang “Seklusyon” gaya ng Best Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design at Children’s Choice Award.

Victorious si Irma Adlawan sa pagkakapanalo ng Best Actress ngayong MMFF dahil dalawa sa strong contenders para sa magagaling na artista ay kanyang pinataob, gaya nina Eugene Domingo na bida sa Ang Babae Sa Septic Tank: Forever Is Not Enough at ang superstar Nora Aunor sa pelikulang “Kabisera”.

Sa kanyang naging acceptance speech, pinuri ng aktres ang ipinakitang katapangan ng Executive Committee at Jury ng kasalukuyang MMFF para sa naging mapangahas na hakbang.

“Sana po at lumawig pa ang inyong tribo at dumami pa kayo, dahil po sa tapang ninyo nagkaroon ng pagbabago.”

Inalay din niya ang kanyang nakuhang parangal sa tunay na Kapitana na nakipaglaban para sa kanyang mga ka-baryo na kanyang pinaakyat sa entablado.

Samantala sa panayam naman na ito ng Push.com sa bagong Best Actress, nagpasalamat siya sa buong produksyon ng Oro na aniya ay isang pamilya na ng siya ay mapabilang.

“The Lord above, nothing is impossible without Him and of course, my Oro family because they’re the ones who really helped me out because ako yung outsider na pumasok e nandon na sila e family na sila so ako lang yung pumasok but they never let me feel that I am an outsider,” saad ng aktres.

Aniya magtuloy-tuloy sana ang naging pagbabagong hakbang na ito ng MMFF.

“Yan ang dapat natin ipagpatuloy, dapat ang susunod nating exe-com ay kasing tapang ng mga executive committee na nandito ngayon.”

Pinuri din ni Irma ang mga nakatunggali sa parangal at hiniling din niya na sana ay ‘wag nang gawan ng kontrobersya ang naging desisyon ng Executive Committee.

“’Wag na po sana gawing issue yun. Ang mga ganitong (awards) ay always subjective, it’s a taste of the seven jury members, so hindi po ibig sabihin nito na ako ang nanalo at hindi na magagaling ang mga kalaban ko it’s just that yung taste nila at that moment ay ako,” marespeto nitong pagtatapos.

—@@@—

Sa mga #hashtags members ng “It’s Showtime”, mukhang umaabante si Ronnie Alonte dahil bago magtapos ang taon, dalawang pelikula ang kanyang sinalihan sa MMFF, ang “Vince and Kath and James at “Seklusyon.

At sa opening salvo ng ABS sa 2017, na seryeng “A Love To Last”, with Ian Veneracion at Bea Alonzo as frontliners, binigyan din ng malaking role ang bagets star.

Huwag sanang magpapabaya si Ronnie dahil may ‘kapit’ din si McCoy de Leon, Zeus Collins, Jimboy Martin, Jameson Blake, Tom Doromal (dating PBB Teens) at si Ryle Santiago.

Kaya lang, hindi kami naniniwala sa tsikang si Vice Ganda ang nasa likod nang pag-arangkada ni Ronnie. May potensyal naman talaga ang teen actor.

Napapansin talaga si #hashtag Ronnie, lalo na sa

It’s Showtime na nakakabingi ang tilian kapag naroon siya at kumpleto ang #hashtags members. DORE-ABLE/ADOR SALUTA

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply