Cavs olats sa Kings

MULI na namang natalo ang defending champion Cleveland Cavaliers laban sa Sacramento Kings.

Nagpalitan lang ng kalamangan ang magkabilang koponan sa apat na quarter games.

Bagama’t talo ang team, nakapagbigay naman ng triple-double performance ang key player nitong si LeBron James na 24 points, 13 rebounds at 11 assists.

Sinubukan ding iusad ng forward player na si Kevin Love ang nanganib na sitwasyon ng team sa double-double performance nitong 21 points at 16 boards.

Nagtapos ang makapigil-hiningang harapan sa 116-112 pabor sa Sacramento.

Ito na ang ika-14 na pagkatalo ng Cleveland sa NBA regular games. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply