Coco Martin, overwhelmed sa success ng pelikula at teleserye

OVERWHELMED  ang Idol ng Masa at Primetime King na si Coco Martin dahil ang pelikula niyang “Super Parental Guardians” kasama ang unkabogable na si Vice Ganda at ang mga bagong child wonders na sina Awra at Simon Pineda, ang may hawak na ng record bilang “highest grossing Pinoy movie of all time”.

More than P500 million na ang kinita nito sa takilya at nahigitan na ang naging gross ng “Beauty and The Bestie” na hawak ang nasabing record noong nakaraang taon.

Dagdag pa riyan, nananatiling undisputed sa number one spot bilang most watched teleserye ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa buong bansa.

Dahil sa record na naitala ng “Super Parental Guidance”, sigurado na si Coco bilang box office king kasama si Vice sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation ngayong 2017.

Sa kanyang dalawang magkasunod na pelikulang gumawa ng kasaysayan sa takilya, napatunayan ni Coco na hindi lang siya isang award-winning actor kundi isang matagumpay na crossover artist at certified box office star.

Si Coco rin ang itinuturing na most awarded celebrity actor na patuloy na humahakot ng parangal hindi lamang sa kanyang programang “FPJ’s Ang Probinsyano” kundi pati na sa iba niyang adbokasya.

Ayon nga kay Coco, ang kanyang mga parangal na natatanggap ang inspirasyon niya para pagbutihin pa ang kanyang trabaho.

Sa tagumpay na tinamo ng kanilang tandem ni Vice, the second time around, excited na rin si Coco na makatrabahong muli ang phenomenal TV host-comedian na si Vice na para sa kanya ay ‘lucky charm’ niya.

Award-winning screenwriter Baby Nebrida, action director na

Sumikat noon si Baby Nebrida bilang screenwriter ng mga pelikula ng Viva Films at iba pang mga de-kalibreng pelikula na idinirehe nina Eddie Garcia at Danny Zialcita.

Naging host, producer at writer din siya ng “Heart to Heart Talk” na inere noon sa RPN 9 at PTV 4.

Naging counsellor siya noon sa mga phone callers na dumudulog ng kanilang mga problema, na karamihan ay may kaugnayan sa pamilya.

Sa kanyang pakikinig sa kanilang mga problema, nahasa ang kanyang pang-unawa sa mga usaping may kaugnayan sa pag-ibig at pamilya.

Naging co-author siya noon ng librong “The Little Book of Miracles’ na isinulat ni Dolly Larson.

Nakapagsulat at nakapagdirehe na rin siya ng maraming dokumentaryo, TV specials at drama shows.

Huling pelikula niyang idinirek ang “Flames of Love” kasama ang Manunuri member na si Gigi Javier Alfonso.

Ngayong 2017, balik siya sa pagdidirehe ng “Across the Crescent Moon” isang action-drama na may puso na layuning itaguyod ang kapayapaan sa bansa na hindi alintana ang kanilang mga relihiyon o paniniwalang pulitikal sa buhay.

Tumatalakay rin ito sa human trafficking at kung paano paiigtingin pa ang relasyong pampamilya.

First time rin ni Baby na magdirek ng mga action scenes na kinunan pa nila sa Maguindanao.

Bibihira na ang mga lady directors natin ang nagdidirehe ng mga action scenes na teritoryo nina Virginia at Maria Saret noon.

Pero, bilang isang director, naniniwala si Baby na kasama sa trabaho niya ang pag-e-execute ng mga makatotohanang fight scenes na kailangan sa istorya ng nasabing pelikula.

Ngayong Enero ,sa ikalawang taong anibersaryo ng SAF 44 na mga biktima ng Mamasapano massacre, ipalalabas ang “Across the Crescent Moon”.

All-star cast at acting ensemble rin ito dahil mga bituin dito sina Matteo Guidicelli, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Alex Godinez, Joem Bascon, Jerico Ejercito, Jerene Tan, Ku Aquino, Ivan Carapiet, Leo Martinez, Rez Cortez, Gerard Ejercito, Diane Medina, Jackie Aquino, Garie Concepcion, Mariel de Leon, JC De Leon, Tads Acosta, Pipo Alfad III, Jaryn Johnston, Bea de Guzman, Jace Roque, Nicole Reyes, Nicolette Marcelo, Daniol Dimalaog, Megan Dee, at marami pang iba.
First time ring mapapanood dito si Christopher de Leon sa papel ng isang Muslim.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com. CHIKKA PA MORE / ARCHIE LIAO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply